Vic Sotto the newest victim of death hoax online.
The 60-year-old comedian photo with the logo of Yahoo! News Philippines and link www.gma-channelnews9.tk made its way online on Friday afternoon, July 25.
Ayon sa ulat ng GMA News, Mabilis na kumalat sa social media ang post sa Facebook at Twitter tungkol sa pagkamatay umano ng aktor at host ng Eat Bulaga! na si Vic Sotto. Tila nakadagdag pa sa pag-aalala ng kaniyang mga tagahanga ang hindi paglitaw ng komedyante sa naturang programa nitong Biyernes ng tanghali.
"Paalam Na Bossing. Salamat sa Maraming Taon mo Sa Eat Bulaga," nakasaad sa post sa Facebook at kumalat din sa Twitter.
Bagaman marami ang kombinsido na kalokohan ang naturang post at posibleng may virus o spam na nakapaloob kapag na-click ang link, mayroon pa rin mga nag-alala at nais malaman kung ano talaga ang nangyari sa "Bossing" ng mga dabarkads.
Sa isang text message sa GMA News Online nitong Biyernes, pinabulaanan ni Ms. Malou Ochoa-Fagar, executive vice president, TAPE Inc., namamahala sa Eat Bulaga!, na walang katotohanan ang naturang post sa social media tungkol kay Vic.
"My gosh! It's a hoax. Absent lang siya," ayon kay Ms. Malou.
Links from the posts connect to rogue Facebook apps that request permission to access users' profile info and post to their timelines, enabling the scams to reproduce themselves.
Thank you so much for visting Chismobiz and reading our articles. If you find this post interesting, please do remember to share it on Facebook, Twitter or Google+. Adding a comment below will be much appreciated.
0 comments:
Post a Comment